Tanker inararo ang mga concrete barrier sa EDSA-Ortigas

Isang tanker ang umararo sa mga concrete barrier sa bahagi ng EDSA-Ortigas flyover.

Binabagtas ng tanker ang EDSA at patungo sana ng Marikina para magdeliver ng LPG.

Ayon sa driver ng tanker, mayroon siyang iniwasang kasabayang sasakyan kaya nawalan siya ng kontrol sa manibela.

Maliban sa mga concrete barrier ay binangga din ng tanker ang overhead signage sa EDSA-Ortigas Flyover.

Naialis naman na sa lugar ang tanker at agad ding nalinis ang mga kumalat na debris ng barriers.

 

 

 

Read more...