Tatlong bata patay matapos malunod sa hukay na may tubig sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 06:20 AM

Patay ang tatlong bata matapos na aksidenteng mahulog sa hukay na puno ng tubig sa Brgy. Western Bicutan sa Taguig City.

Sa inilabas na pahayag ng Taguig City LGU, ang tatlong bata na pawang residente ng PNR Site sa nasabing barangay ay pumasok at naglaro sa isang bakateng lote na dakong alas 12:40 ng tanghali kahapon (Dec. 3).

Aksidenteng nahulog sila at nalunod sa hukay na puno ng tubig.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang bakanteng lote ay privately owned.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang tulong sa pamilya ng tatlong bata.

Nakikipag-ugnayan din ang LGU sa Arca South management, Philippine National Police, at mga opisyal ng barangay para sa imbestigasyon.

Paalala ni Cayetano sa mga magulang, tiyaking nababantayan lagi ang kanilang mga menor de edad na anak kapag lumalabas ng bahay.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, drowning incident, Inquirer News, Philippine News, PNR Site, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig, western bicutan, Breaking News in the Philippines, drowning incident, Inquirer News, Philippine News, PNR Site, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig, western bicutan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.