Ayon sa PAGASA, ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Qurino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Quezon, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque at Camarines provinces ang tail-end of a frontal system.
Northeast monsoon naman ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Habang localized thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,630 kilometers east ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA wala pa itong direktang epekto saanmang bahagi ng bansa.