Malaking bahagi ng Central at Southern Luzon uulanin ngayong araw dahil sa tail-end of a frontal system

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 05:46 AM

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng central at southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Qurino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Quezon, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque at Camarines provinces ang tail-end of a frontal system.

Northeast monsoon naman ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Habang localized thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 1,630 kilometers east ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA wala pa itong direktang epekto saanmang bahagi ng bansa.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, shear line, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tail-end of a frontal system, weather, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, shear line, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tail-end of a frontal system, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.