BREAKING: Los Baños Mayor, patay sa pamamaril sa loob mismo ng munisipyo
By Erwin Aguilon December 03, 2020 - 10:09 PM
Patay si Los Baños, Laguna Mayor Cesar Perez matapos barilin sa loob mismo ng kanilang munisispyo.
Ayon sa inisyal na report, bandang 9:00 ng gabi, December 3, nang maganap ang pamamaril sa alkalde na kaagad isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Kinumpirma ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang pamamaril at sinabing binawian na ito ng buhay.
Gayunman, hinihintay pa aniya nito ang buong detalye ng insidente.
Si Mayor Perez ay dati ring vice governor ng Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.