LPA sa Albay, nalusaw na; Panibagong LPA, binabantayan sa labas ng bansa

By Angellic Jordan December 03, 2020 - 07:12 PM

Nalusaw na ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Albay.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, nalusaw ang LPA bandang 2:00 ng hapon.

Ngunit, may panibagong binabantayang LPA sa labas ng teritoryo ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 1,710 kilometers Silangan ng Mindanao.

Sinabi ni Clauren na malayo pa ang LPA sa bansa ngunit may posibilidad na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Samantala, patuloy pa ring umiiral ang Tail-end of Frontal System at Northeast Monsoon o Amihan sa iba pang parte ng bansa.

Ani Clauren, magdudulot ang Tail-end of Frontal System ng maulap na kalat-kalat na katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ifugao at Aurora.

Nakakaapekto naman ang Amihan sa nalalabing bahagi ng Hilagang Luzon na nagdudulot ng isolated light rains sa Ilocos region, Abra, Benguet, Zambales at Bataan.

Dahil sa maninipis na kaulapan, posible aniyang makaranas ng mga panandaliang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

TAGS: amihan, breaking news, Inquirer News, low pressure area, Northeast monsoon, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tail-end of a frontal system, weather update December 3, amihan, breaking news, Inquirer News, low pressure area, Northeast monsoon, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tail-end of a frontal system, weather update December 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.