“May butas ang batas”-Bautista

July 08, 2015 - 08:27 PM

Andres-Bautista-0515
Inquirer file photo

Nanawagan ang Comelec sa publiko na gamiting batayan ang mga maaagang pagpapalabas ng mga ‘infomercials’ ng ilang mga pulitiko para matukoy kung karapat-dapat ba ang mga ito na iboto sa nalalapit na halalan  sa 2016, o sadyang maagang ‘umeepal’ lamang.

Sa pagharap ni Comelec Chairman Andres Bautista sa “Meet the Inquirer Multimedia” forum, sinabi nito na sadyang may butas ang batas sa isyu ng mga infomercials kaya’t dapat na mas maging matalino na lamang ang publiko sa pagpili ng kanilang iboboto.

“If you look at our laws today, there is no such animal as premature campaigning…Talagang may butas ang batas…Congress has to amend these laws to make them more attuned with the times,” dagdag pa ni Bautista.

Hamon naman ni Bautista sa mga broadcast entities sa bansa, huwag magpagamit sa mga pulitiko na nagpapasok ng mga ‘infomercial’ o ‘epal ads’ kung sa tingin nila ay imoral ito.

Sa isyu naman ng mga ‘epal’ na mga kandidato na gumagamit ng social media upang maagang makapaglabas ng mga political advertisement, sinabi ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim na nakikipag ugnayan na ang komisyon sa ‘Google’ upang makakuha ng mga advertising contract ng mga kandidato./ Jay Dones

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.