P7.5-M halaga ng iba’t ibang droga, susunugin ng PDEA

By Jan Escosio December 03, 2020 - 02:24 PM

Inaasahan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa pagsaksi sa gagawing pagsunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa P7.5 milyong halaga ng iba’t ibang droga na nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon.

Kabilang sa mga susunugin sa isang pasilidad sa Trece Martires, Cavite ay mga shabu, cocaine, ephedrine, ketamine, liquid shabu at marijuana.

Sinabi ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva, ito ang ikatlong pagkakataon na nagsunog sila ng mga droga sa ilalim ng kanyang pangangsiwa sa ahensiya.

Mahigpit ang seguridad sa pasilidad dahil sa inaasahang pagdating ni Pangulong Duterte.

Ipinatutupad din ang ‘no negative swab result, no entry’ bilang pangangalaga na rin sa kalusugan ng Punong Ehekutibo.

TAGS: cocaine, confiscated drugs, ephedrine, Inquirer News, ketamine, liquid shabu, Marijuana, PDEA, Radyo Inquirer news, shabu, cocaine, confiscated drugs, ephedrine, Inquirer News, ketamine, liquid shabu, Marijuana, PDEA, Radyo Inquirer news, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.