Halaga ng naipamahagi sa Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, umabot na sa P42-M

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang 8:00, Miyerkules ng gabi (December 2), umabot na sa 7,573 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.

Umabot na sa higit P42 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.

Samantala, higit P232.7 milyon naman ang naipamahagi sa 33,996 na karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

Read more...