Panukala para sa pagtatatag ng Anti-Drug Abuse Councils sa buong bansa lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon December 03, 2020 - 12:41 PM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala para sa pagtatatag ng Anti-Drug Abuse Councils sa buong bansa.

Sa botong 200 Yes at wala namang pagtutol, lumusot ang House Bill 7812 o ang An Act Creating Anti-Drug Abuse Councils.

Sa ilalim ng panukala na inakda ni House Assistant Majority Leader at Iloilo Rep. Julienne “Jam” Baronda, magkakaroon ng anti-drug abuse councils (ADACs) sa mga probinsya, syudad, munisipalidad at mga barangays.

Ang ADAC ay bubuuhin ng mga local officials at mga kinatawan mula sa iba’t ibang community organization na siyang
mamamahala sa pagpaplano, pagpapatupad at magbabantay sa mga local anti-drug abuse programs, projects, at activities.

Magsisilbi ring mekanismo ang konseho para makakuha ng impormasyon at siyang magbibigay ulat sa mga otoridad
kaugnay sa mga kahina-hinalang illegal drug personalities, facilities, at activities sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Baronda, makakatulong ang impormasyong makukuha ng ADAC para makabuo ang Kongreso ng cohesive at functional policies para epektibong mapuksa ang iligal na droga sa bansa.

Aminado naman ang mambabatas na talamak pa rin ang kaso na may kinalaman sa illegal drugs lalo ngayong pandemya dahil marami ang nahihikayat sa mabilis at malaking kita na maaari nilang makuha para lamang maitawid ang pang-araw araw na pangangailangan.

 

 

TAGS: An Act Creating Anti-Drug Abuse Councils, Anti-Drug Abuse Councils, Breaking News in the Philippines, House Bill 7812, House of Representatives, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, An Act Creating Anti-Drug Abuse Councils, Anti-Drug Abuse Councils, Breaking News in the Philippines, House Bill 7812, House of Representatives, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.