Bayanihan 2 dapat samantalahin ng telcos para sa pagpapatayo ng mga cell sites
Ipinapasamantala ni Quirino Rep. Junie Cua sa mga telecommunications company ang Bayanihan 2 para sa pagpapatayo ng mga cell towers.
Sa pulong ng House Committee on Information and Communications Technology, sinabi ni Cua na habang epektibo pa ang Bayanihan 2 ay dapat madaliin na ng mga telcos ang pagpapatayo ng dagdag na towers nang hindi inaalala ang pagkuha ng maraming permits at clearances.
Isa sa probisyon ng Bayanihan 2 ang pag-alis sa requirements para sa permit at clearances na nagpapahaba at nagpapatagal sa proseso ng pagtatayo ng dagdag na tower.
Naglalayon ito na mapadali ang pagtatayo ng towers nang sa gayon ay maserbisyuhan ng mabilis na internet at data speed sa bansa.
Aminado naman si National Telecommunications Commission Commissioner Gamaliel Cordoba na ang maraming papeles na hinihingi lalo na ng mga LGUs ang nagpapatagal sa paggtatayo ng mga cell tower at iba pang kinakailangang imprastraktura sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.