Sen. Ping Lacson bumwelta sa Makabayan Bloc sa reklamo sa “red tagging hearing”
Ipinagdiinan ni Senator Panfilo Lacson na ibinigay na sa Makabayan representatives ang lahat ng pagkakataon para ilabas ang kanilang saloobin ukol sa isyu ng red tagging at sa mga alegasyon ng mga dating rebelde.
Ayon kay Lacson hindi porket hindi pumabor sa Makabayan Bloc ang itinakbo ng pinamunuan niyang pagdinig ay may lakas ng loob pa ang mga ito na nagagamit ang Senado sa ‘witch hunting.’
Dagdag pa ng senador na may mga pagkakataon sa pagdinig na dinipensahan pa niya ang Makabayan Bloc.
Naniniwala si Lacson na ang paghahanap ng palusot ng mga namumuno sa ibat ibang militanteng grupo kung nabigo silang harapin ng husto ang isyu ay pagpapakita lang ng kanilang mga pagkukulang na mapaghandaan ang pagdinig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.