Christmas mall shopping ng mga bata dapat pag-aralan ng husto ayon kay Sen. Grace Poe

Sinabi ni Senator Grace Poe na malaki ang naging epekto sa mga bata ng kasalukuyang pandemiya lalo na ang tila pagkakakulong nila sa loob ng bahay.

Kaya’t ayon kay Poe kailangan lang tiyakin ng gobyerno at ng pamunuan ng mall na istriktong masusunod ang minimum health and safety protocols ngayon ikinukunsidera na payagan ang mga bata na makalabas ng bahay at makapamasyal ngayon Kapaskuhan.

Ang DOH ay kontra sa naturang balakin dahil delikado sa mga bata ang sitwasyon, samantalang ang DILG naman ay nagsabi na nakadepende sa LGUs ang paglabas at pamamasyal ng mga bata ngayon Kapaskuhan.

Paalala ni Poe hindi pa tapos ang laban sa COVID-19 hanggang wala pang nasusubukan na epektibong bakuna laban sa nakakamatay na sakit.

Aniya ang gobyerno ay naghahanap pa din ng mapapaghugutan ng pondo na ipambibili ng bakuna para sa mga Filipino.

 

 

Read more...