Prepaid Load Forever Bill inihirit ni Sen. Win Gatchalian na talakayin na sa Senado

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa kanyang mga kapwa senador na pag-usapan na nila ang panukala na mag-aalis sa expiry date sa prepaid load credits sa mga cellphones at internet services.

Katuwiran ni Gatchalian, ngayon may pandemya ang lahat ay umaasa sa teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon.

At aniya para sa mga may limitadong budget sa load, napakahalaga ng bawat piso kayat hindi makatarungan sa sitwasyon ngayon na may expiration ang load credits.

Diin niya makatuwiran lang na magamit ng subscriber ang buong load credits sa anuman serbisyo na kanyang naisin.

Dapat aniya na pag-aralan muli ang mga ganitong polisiya ng mga telcos at ICT providers.

Kaya’t inihain niya ang Senate Bill No. 365 o ang Prepaid Load Forever Act para matigil na ang paglalagay ng expiry date sa mga load.

Sakop ng panukala ang mga serbisyo tulad ng voice call, text, mobile data at value added services na kaakibat ng halaga na ipina-load.

 

 

Read more...