Bilin ni Senator Manny Pacquiao sa mga kasapi ng PDP-Laban; huwag masangkot sa korapsyon

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2020 - 11:01 AM

Mahigpit ang bilin ni Senator Manny Pacquiao sa mga kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Bilang bagong presidente ng partido, binilinan ng senador ang mga miyembro ng ruling party na huwag masasangkot sa anumang uri ng korapsyon.

Sa kaniyang talumpati matapos manumpa sa pwesto, tinawag ni Pacquiao na “cancer” ang korapsyon na aniya namamayani sa pamahalaan sa nakalipas nang mga henerasyon.

Ayon sa senador galit siya sa kurap na opisyales pati na rin sa mga kurap na government workers.

“Kalaban natin ang mga kurakot. Ang ninanakaw nila ay inuutang pa natin. Nakakalungkot na milyon-milyong mga kababayan natin ang nagugutom, nagkakasakit at nawawalan na ng pag-asa habang ang bilyon-bilyon naman ay ninanakaw ng iilan sa gobyerno,” ayon sa senador.

Si Pacquiao ang pumalit kay Senator Aquilino Pimentel III bilang presidente ng partido.

Si Pimentel na ngayon ang executive vice-chairman ng PDP-Laban.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, PDP Laban, Philippine News, Radyo Inquirer, Senator Manny Pacquiao, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, PDP Laban, Philippine News, Radyo Inquirer, Senator Manny Pacquiao, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.