AFP hindi irerekomenda ang holiday ceasefire sa CPP-NPA

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2020 - 10:51 AM

Walang balak ang Armed Forces of the Philippines na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng ceasefire sa CPP-NPA ngayong holiday season.

Ayon kay AFP Spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo, ilang ulit nang nagpakita ng kawalan ng sinseridad ang mga komunista kapag nagdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan.

Taun-taon ay lumalabag aniya ang mga komunista sa kanilang sariling ceasefire declaration.

Ayon kay Arevalo, pumapasok lamang sa peace talks ang mga komunista para sila ay magkaroon ng tsansa na mag-regroup at magrecruit ng mas maraming miyembro.

 

 

TAGS: AFP, Breaking News in the Philippines, holiday ceasefire, Holiday truce, Inquirer News, NPA, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP, Breaking News in the Philippines, holiday ceasefire, Holiday truce, Inquirer News, NPA, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.