Baguio City may number coding para sa mga magpapakabit ng RFID stickers

Nagpatupad ng number coding ang Baguio City Local Government para sa mga magpapakabit ng RFID stickers.

Sa December 7 (Lunes) hanggang sa December 11 (Biyernes) ay mayroong naka-schedule na Autosweep at Easytrip installation sa lungsod.

Ang schedule ng pagpapakabit ng stickers ay depende sa last digit ng plaka ng sasakyan.

Narito ang schedule:
𝗠𝗼𝗻𝗱𝗮𝘆
December 7 (8AM to 12PM) – 0
December 7 (1PM to 5PM) – 9

𝗧𝘂𝗲𝘀𝗱𝗮𝘆
December 8 (8AM to 12 PM) – 8
December 8 (1PM to 5PM) – 7

𝗪𝗲𝗱𝗻𝗲𝘀𝗱𝗮𝘆
December 9 (8AM to 12PM) – 6
December 9 (1PM to 5PM) – 5

𝗧𝗵𝘂𝗿𝘀𝗱𝗮𝘆
December 10 (8AM to 12PM) – 4
December 10(1PM to 5PM) – 3

𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆
December 11 (8AM to 12PM) – 2
December 11 (1PM to 5PM) – 1

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, araw-araw ay limitado sa 600 na sasakyan ang kakabitan ng Autosweep at 600 din para sa Easytrip.

500 dito ay ilalaan sa Class 1, 50 sa Class 2 at 50 sa Class 3.

Ipatutupad ang first come, first served basis na proseso.

Inabisuhan ang mga magpapakabit na maghanda ng accomplished forms at mga dokumentong kailangan.

Gayundin ang exact amount para sa load na P500 para sa Class 1 at P1,000 para sa Class 2 at 3.

Naglabas din ng traffic advisory dahil ang proseso ay gagawin ng drive-thru.

 

 

Read more...