Sa magdamag ay nadagdagan pa ng 33,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,533,471 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 8.9 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 424,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 138,657 na.
READ NEXT
Metro Mayors nagkaisang huwag pa ding payagan ang mga menor de edad na makalabas at makapunta sa mall
MOST READ
LATEST STORIES