Metro Mayors nagkaisang huwag pa ding payagan ang mga menor de edad na makalabas at makapunta sa mall
Nagkaisa ang Metro Manila Mayors na hindi payagan ang mga menor de edad na makalabas na ng bahay at makapunta na sa mga mall.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, unanimous ang naging pasya ng mga alkalde sa Metro Manila kung saan ang lahat ng 17 ay nagpasyang hindi pa rin payagan ang mga menor de edad na makalabas sa ilalim ng pag-iral ng general community quarantine.
Ginawa ng mga alkalde ang pasya matapos ang konsultasyon nila sa Philippine Pediatric Society.
Sa ngayon mananatili na edad 18 hanggang 65 ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan sa Metro Manila.
Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maaring mapayagan na ang mga menor de edad na makapunta sa mall basta’t may kasamang magulang o guardian.
Pero kalaunan ay nilinaw ng opisyal na mangyayari lamang ito kung mayroong ipapasang ordinansa ang mga lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.