Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho umabot na sa 3.8 million noong Oktubre ayon sa PSA

Umabot na sa 3.8 million na Pinoy ang walang trabaho hanggang noong Oktubre ng kasalukuyang taon.

Ayon ito sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Katumbas ito ng 8.7 percent ayon sa PSA na mas mataas kumpara sa 4.6 percent lamang noong October 2019.

Bahagya namang bumaba ang unemployment rate kumpara noong July 2020 (4.6 million) at April 2020 (7.2 million).

Umabot naman sa 14.4 percent ang underemployment rate sa bansa para sa October, 2020.

Batay pa din sa datos ng PSA, mayroong 43.6 million na mga Filipino o 58.7 percent ang nasa labor force o mayroong trabaho.

Bahagya itong bumaba kumpara sa 45.9 million noong July 2020.

 

 

 

 

Read more...