Pamamahagi ng SAP para sa mga mangingisda sa Navotas isasagawa bukas, December 4
By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2020 - 09:11 AM
Isasagawa bukas December 4 ang pamamahagi ng cash subsidy para sa unang batch ng mga benepisyaryong mangingisda.
Ang ayuda ay mula sa Department of Agriculture (DA) – Philippines Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ang payout ay isasagawa sa San jose Academy.
Paalala sa mga benepisyaryo, dalhin ang kanilang ng fisherfolk ID o kahit anong government-issued valid ID.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay nakapaskil sa Facebook page ng Navotas City LGU.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.