Sa kabila ng umiiral na prize freeze presyo ng isda sa ilang palengke tumaas

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2020 - 08:07 AM

FILEPHOTO

Sa kabila ng prize freeze, lagpas sa itinakdang SRP ang presyo ng isda sa ilang palengke.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsumer, sa kanilang monitoring sa Commonwealth Market, lagpas-lagpas sa SRP ang presyo ng isda.

Hindi aniya ito dapat nangyayari dahil mayroong umiiral na prize freeze sa buong Luzon na nakasailalim sa state of calamity.

Bahagya naman aniyang bumaba ang presyo ng karne, habang wala ding paggalaw sa presyo ng de lata at processed food.

Ani Dimagiba, dapat ay maging visible ang national government at ang LGU sa mga palengke para hindi nananamantala ang mga vendor.

Mayroon naman aniyang local price coordinating council ang mga LGU na pwedeng mag-ikot.

Importante din na may nakapaskil na SRP sa mga palengke para pagdating ng mga mamimili ay guided na sila sa halaga ng mga bilihin.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, laban konsyumer, Philippine News, prize freeze, Radyo Inquirer, SRP, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, laban konsyumer, Philippine News, prize freeze, Radyo Inquirer, SRP, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.