Ang mga pabahay ay para sa mga relocatees mula sa nasabing bayan.
Tinatayang mahigit 400 na pamilya ang mabibigyan ng bahay sa sandaling makumpleto ang housing community na itinatayo sa integrated agro-industrial complex.
Ayon kay San Miguel Corporation President at COO Ramon S. Ang, ang mga bahay ay climate-resilient.
Mayroon ding sariling palengke sa komunidad, covered court, may water system, electrical system, may pabrika para sa pangkabuhayan ng mga residente at may lupaing matatamnan.
Sinabi ni Ang na ang mga pamilyang beneficiaries ay isinailalim sa skills training, job at livelihood program para matiyak na magiging maayos ang kanilang pamumuhay sa kanilang paglipat sa relocation site.