Water service interruption sa 6 na mga barangay sa Antipolo pinalawig pa ng 8-oras

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2020 - 07:42 AM

Ilang oras pang magtitiis sa kawalan ng suplay ng tubig ang maraming residente sa Antipolo City.

Pinalawig pa kasi ng walong oras ng Manila Water ang nararanasang water service interruption sa anim na mga barangay sa lungsod.

Sa abiso ng Manila Water, hindi agad natapos ang leak repairs sa Marcos Highway, Brgy. Inarawan.

Bunsod nito mananatili pa ang service interruption hanggang alas 2:00 ng hapon sa sumusunod na mga lugar:

Brgy. Dela Paz
Brgy. Bagong Nayon
Brgy. Inarawan
Brgy. San Luis
Brgy. San Isidro
Brgy. San Juan

Ayon sa Manila Water nag-deploy na sila ng mga water tanker sa mga apektadong lugar.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, leak repairs, manila water, Marcos Highway, Philippine News, Radyo Inquirer, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, leak repairs, manila water, Marcos Highway, Philippine News, Radyo Inquirer, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.