Edad 10 pataas papayagan nang pumasok sa mall sa Cavite

Pinayagan na ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang mga menor de edad na makapunta sa mall.

Pero nilinaw ni Remulla, na tanging mga edad 10 pataaas ang pwedeng isama sa mall.

Kinakailangan din na mayroon silang kasamang magulang o guardians.

Ang mga edad 9 pabababa ay hindi pa rin maaring lumabas.

Ang mga Senior Citizen, edad 60 pataas ay maari ding magpunta sa mall.

Simula noong Dec. 1 ay binawi na din ni Remulla ang pag-iral ng liquor ban sa Cavite.

Pero mahigpit pa ding ipinagbabawal ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.

 

 

 

Read more...