Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 213.45 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (December 3) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 213.82 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.73 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.95 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.33 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.34 meters.
Ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang ang Ambuklao, Magat at Caliraya dams naman ay nabawasan.
Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.