NPA leader, apat niyang tauhan patay sa engkwentro sa South Cotabato

Nasawi ang isang mataas na lider ng New People’s Army at apat niyang mga tauhan sa engkwentro sa mga otoridad sa Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay Brig. Gen. Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army, isisilbi ng mga sundalo at mga pulis ang warrant of arrest laban kay Jaime Hebron, regional ordnance officer ng NPA-Southern Mindanao Region sa kaniyang hideout sa Sitio Kibang, Barangay Ned pero pinaputukan sila ng mga suspek.

Tumagal ng 20-minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ni Hebron at apat niyang tauhan.

Nakuha sa lugar ang isang M-16 rifle, Carbine rifle, .45 caliber pistol, 9mm caliber pistol, at mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Devices.

Si Hebron ay nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal kabilang ang murder at extortion.

 

 

 

 

 

Read more...