Mga binahang residente sa Calumpit, Bulacan pinuntahan ng “Doctors on Boat”
Tumanggap ng atensyong medical ang daan-daang residente sa Calumpit, Bulacan na nasalanta ng pagbaha.
Isinailalim sa medical check-up at binigyan ng gamot ng Philippine Coast Guard at ng ‘Doctors on Boat’ ng PMA ang mga senior citizen at mga bata.
Mula Maynila, bumiyahe ang PCG at mga duktor mula sa PMA dala ang kahung-kahong gamot sa ubo, sipon, lagnat, at bitamina para maitaguyod ang kalusugan ng mga residente ng Purok 5 at 6, Brgy San Miguel-Meysulao sa Calumpit, Bulacan na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
Katuwang ang PNP – Maritime Group, namahagi rin ang PCG at PMA ng humigit-kumulang 650 na relief packs para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.