Sa araw ng Miyerkules, December 2, sinimulan ang pagsasagawa ng malawakang operasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), laban sa mga ilegal o colorum na Public Utility Vehicle (PUV).
Layon nitong labanan ang kriminalidad at pagpapanatili ng kaligatasan sa mga kalsada sa lahat ng rehiyon.
Katuwang din sa operasyon ang Land Transportation Office (LTO), at local government units (LGUs).
Maliban sa paglabag sa mga patakaran ng LTFRB, nahuli rin ang ilang drayber bunsod naman ng hindi pagsunod sa public health safety protocols.
Kasunod nito, muling pinaalala ng ahensya na sundin ang tinatawag na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon.
Tiniyak naman ng LTFRB na patuloy ang kanilang operasyon kasama ang LTO, PNP-HPG, at mga LGU laban sa colorum PUVs.