Umabot sa 35 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (December 2), umabot na sa 3,064 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 193 ang aktibo pang kaso.
23 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 2,830 na ang total recoveries sa Baguio City habang 41 pa rin ang death toll.
Batay pa sa datos, 318 ang naisagawang RT-PCR test sa araw ng Martes.
Nasa 78,555 naman ang bilang ng mga nagnegatibong pagsusuri sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.