Bohol, Sarangani, at Surigao del Norte niyanig ng lindol
Tatlong magkakasunod na pagyanig ang naitala sa mga lalawigan ng Bohol, Saranggani at Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, alas 7:01 ng umaga ng Lunes, March 21, naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa 8km north ng bayan ng Danao sa Bohol.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim lamang na 5km.
Naitala ang Intensity I sa Lapu-Lapu City, Cebu batay sa recorded intensity ng Phivolcs. Pero sa instrumental intensity nakapagtala ang Phivolcs ng Intensity I sa Cebu City, Intensity II sa Lapu-Lapu City at Intensity IV sa Tagbilaran City, Bohol.
Samantala, alas 5:47 ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 4.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.
May lalalim na 179km ang lindol na naitala sa 46km south ng Saranggani.
Wala namang naitalang intensity at wala ring inaasahang aftershocks at pinsala sa nasabing pagyanig.
Alas 2:26 naman ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 4.2 na lindol sa Del Carmen, Surigao del Norte.
Ang lindol na may lalim na 33km ay naitala sa 4km north ng Del Carmen.
Wala ring naitalang intensity sa nasabing lindol at walang inaasahang aftershocks at pinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.