Historic visit ni U.S. President Barack Obama sa Cuba, nagsimula na

By Dona Dominguez-Cargullo March 21, 2016 - 08:15 AM

AP PHOTO / PABLO MARTINEZ MONSIVAIS
AP PHOTO / PABLO MARTINEZ MONSIVAIS

Dumating na sa Cuba si U.S. President Barack Obama para sa maituturing na isang historic visit.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita ang presidente ng Amerika sa Cuba, matapos ang 88 taon, o mula noong taong 1928.

Dumating ang eroplanong sinasakyan ni Obama sa Jose Marti International Airport alas 4:19 ng hapon, oras sa Cuba at sinalubong siya ni Cuban Foreign Minister Bruno Rodriguez kasama ang iba pang Cuban at U.S. officials.

Kasama ni Obama sa nasabing pagbisita si U.S. First Lady Michelle Obama at dalawa nilang anak.

Sa Havana Vieja o Old Havana unang magtutungo si Obama kung saan bibistahin niya ang Cathedral, Plaza Vieja at San Francisco Square, gayundin ang Museum sa Lungsod.

Pangungunahan din ni Obama wreath laying ceremony sa national hero ng Cuba na si Jose Marti sa Revolution Square bago ang kaniyang pulong kay Cuban President Raul Castro.

Sa Martes matatapos ang pagbisita ni Obama sa Cuba.

TAGS: Obama arrives Cuba, Obama arrives Cuba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.