FDA, binigyan na ng awtorisasyon na gamitin ang EUA para sa COVID-19 vaccines sa Pilipinas
Binigyan na ng awtorisasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na gamitin ang emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines na darating na sa Pilipinas.
Base sa Executive Order No. 121 na nilagdaan ng Pangulo, binibigyan ng kapangyarihan ni Pangulong Duterte ang FDA director-general na mag-isyu ng EUA para sa COVID-19 vaccines.
Dahil binigyan na ng awtorisasyon, mapapaiksi na ang proseso sa pag-apruba sa bakuna mula sa anim na buwan ay magiging 21 araw na lamang.
“The President also authorized the FDA director-general to “accept the regulatory decision of the [World Health Organization], [US Centers for Disease Control and Prevention], or other internationally recognized regulatory authorities,” saad ng EO.
Nakalagay sa EO na mahalagang masunod ang mga kondisyon gaya ng totality of evidence available, kasama na ang trials at effectivity nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.