Mga pamilya na nabigyan ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, nadagdagan pa
Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.
Sa datos hanggang 8:00, Martes ng gabi (December 1), umabot na sa 6,955 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.
Aabot sa higit P38.5 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.
Samantala, higit P232.5 milyon naman ang naipamahagi sa 33,964 na karagdagang benepisyaryo.
Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.