Anti-endo Bill, pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon December 02, 2020 - 02:43 PM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala upang alisin ang kontrakwalisasyon.

Sa botong 204 Yes, 7 No at 3 Abstention, nakalusot ang House Bill 7036 o ang Security of Tenure Act.

Layon ng panukala na palakasin ang karapatan ng mga mangaggawa sa pribadong sektor at amyendahan ang Presidential Decree No. 442 o Labor Code of the Philippines para tuluyang ipagbawal ang kontraktwalisasyon sa private sector.

Sa ilalim ng panukala ay papayagan lamang ang “labor-only” contracting kung ang contractor ay walang sapat na puhunan o investment para sa tools, equipment, machineries, at work premises; walang kontrol sa paraan ng mga manggagawa para tapusin ang trabaho; at kung ang mga manggagawa na na-recruit at naitalaga para sa trabaho ay direktang may kaugnayan sa pangunahing negosyo ng employer.

Mahigpit na ipinagbabawal ang fixed-term employment maliban sa kaso ng OFWs, workers na nasa ilalim ng probation at relievers na gumaganap na pansamantalang kapalit ng isang regular na empleyado.

Obligado naman ang employers na bigyan ng pantay na benepisyo ang relievers, project at seasonal employees katulad sa regular employees.

Pinabibigyan din ng lisensya ang job contractors at papatawan naman ng parusa ang mga wala nito.

TAGS: 18th congress, Anti-Endo Bill, House Bill 7036, Inquirer News, Labor Code of the Philippines, Presidential Decree No. 442, Radyo Inquirer news, Security of Tenure Act, 18th congress, Anti-Endo Bill, House Bill 7036, Inquirer News, Labor Code of the Philippines, Presidential Decree No. 442, Radyo Inquirer news, Security of Tenure Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.