Paglikha ng sariling COVID-19 vaccine ng Pilipinas dapat ikunsidera

Hinimok ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy ang pamahalaan na ikonsidera ang pagpoproduce ng sariling COVID-19 vaccines sa bansa.

Sabi ni Uy, kung hindi pa handa ang bansa para sa maramihang cold storage facilities ay dapat pagaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-manufacture ng bansa ng mga bakuna.

Maaari aniyang magsagawa ng locally-produced na COVID-19 vaccines sa mga industrial estate tulad ng PHIVIDEC sa ilalim ng lisensya ng mga original manufacturers.

Bukod dito, mangangailangan din aniya ang bansa ng ligtas na lugar kung saan maaaring iimbak ang mga bakuna at iba pang supply para sa hinaharap.

Maliban sa mga residente ng bansa ay isasailalim rin sa pagbabakuna ang mga umuuwing balikbayan at OFWs, foreign tourists, crew ng international airlines, passenger ships, cargo ships, personnel ng mga foreign embassy at international regional headquarters, pati na ang mga visiting foreign troops.

 

 

Read more...