Global cases ng COVID-19 mahigit 64.1 million na

Umabot sa mahigit 544,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules, (Dec. 2) ay 64,136,184 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 159,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 32,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 52,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Nakapagtala naman ang Russia ng dagdag na 26,000 na mga bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 14,085,726
India – 9,495,661
Brazil – 6,388,526
Russia – 2,322,056
France – 2,230,571
Spain – 1,673,202
UK – 1,643,086
Italy – 1,620,901
Argentina – 1,424,533
Colombia – 1,324,792

 

 

 

Read more...