UNA logo sa mouthguard ni Pacquiao, hindi totoo

Ed de la Vega,DDS Twitter account
Ed de la Vega,DDS Twitter account

Itinanggi ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao na gagamit siya ng mouthguard na may logo ng United Nationalist Alliance (UNA) sa laban niya kay Timothy Bradley Jr. sa Las Vegas, sa April 9.

Ayon sa abogado ni Pacquiao na si Atty. Romulo Macalintal, tinext niya ang Pambansang Kamao tungkol dito at sumagot siya ng “Hindi totoo yan, Atty. Mac.”

Ani Macalintal, nakatitiyak naman siyang alam ni Pacquiao na magre-resulta ito ng political disaster sakaling gawin niya ito.

Giit pa ng abogado, hindi kinonsulta ng gumawa ng mouthguard si Pacquiao bago ito gawin.

Posible aniya na isa lang itong bahagi ng pagiging malikhain ng gumawa nito, at hindi naman intensyon na gawing campaign material para kay Pacquiao na kasalukuyang tumatakbo bilang senador sa ilalim ng partidong UNA.

Kamakailan lamang kasi ay ipinost sa social media ang litrato ng umano’y gagamiting mouthguard ni Pacquiao sa kaniyang laban, na galing mismo sa gumagawa ng kaniyang mouthguard simula pa noon.

Read more...