Mga bagong depot facilities, nagagamit na ng MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2020 - 08:21 AM

Nagagamit na ng MRT-3 ang bagong blast booth at painting booth sa depot nito para sa overhauling activity ng mga tren.

Ginagamit ang blasting booth upang tanggalin ang pintura ng mga overhauled trains.

Ginagamit naman ang painting booth para sa paglalagay ng panibagong pintura sa mga tren.

Matatandaang nakapag-upgrade na rin ng depot equipment ang MRT-3, tulad ng balancing machine, wheel press machine, rerailing equipment, vertical storage carousel, carbon filter box, at pressure washer.

Ang pag-upgrade ng mga equipment at facilities sa depot ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng linya sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo.

Target na makumpleto ang rehabilitation project sa buong linya sa Hulyo 2021.

 

 

 

TAGS: blasting booth, Breaking News in the Philippines, depot facilities, Inquirer News, MRT, MRT 3, overhauled trains, painting booth, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, blasting booth, Breaking News in the Philippines, depot facilities, Inquirer News, MRT, MRT 3, overhauled trains, painting booth, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.