Lima, kabilang ang isang sanggol nasawi matapos araruhin ng isang kotse sa Germany

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2020 - 07:12 AM

Limang katao ang nasawi habang 15 pa ang sugatan matapos silang sagasaan ng rumaragasang kotse sa pedestrian area sa western German city na Trier.

Kabilang sa nasawi ang isang siyam na buwang gulang na sanggol.

Ayon sa pulisya, mayroon na silang isang naaresto sa insidente na isang 51 anyos na German.

Lasing umano ang suspek at mistulang mayroong mental issue dahil ilang araw na itong namamamalagi sa sasakyan na kaniyang hiniram lamang at wala itong tirahan.

Sasailalim pa ito sa mas masusing assessment kaugnay sa kaniyang mental health.

 

 

 

TAGS: accident, Breaking News in the Philippines, Germany, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trier City, accident, Breaking News in the Philippines, Germany, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Trier City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.