Pitong sasakyan ng Red Cross gagamitin para sa mabilis na relief distribution sa Catanduanes

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2020 - 06:54 AM

Naibigay na sa Philippine Red Cross Catanduanes Chapter ang pitong mga bagong sasakyan para magamit sa mas mabilis na pamamahagi ng relief sa lalawigan.

Kinabibilangan ito ng isang (1) Hilux, isang (1) Willy jeep at limang (5) motorsiklo.

Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, gamit ang mga sasakyan, mas mararating ang mga liblib na lugar na hindi mapasok ng malalaking sasakyan.

Lalo rin mapapabilis ang rehabilitation phase dahil mas marami nang Red Cross volunteers at staff ang makakapag-ikot.

Nagpasalamat naman si Gordon sa American Red Cross partikular sa kanilang Country Representative na si Shir Shah Ayobi para sa mga donasyong sasakyan.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, catanduanes, Inquirer News, new vehicles, Philippine News, Radyo Inquirer, red cross, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, catanduanes, Inquirer News, new vehicles, Philippine News, Radyo Inquirer, red cross, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.