100% cashless toll system sa mga expressway hihilingin ng SMC na iurong hanggang sa Pebrero

Hihilingin ni San Miguel Corporation President at COO Ramon S. Ang na palawigin hanggang sa Pebrero ang pagpapatupad ng 100% cashless toll system sa mga expressway.

Kahapon December 1 ang unang araw ng pagpapatupad ng cashless toll system sa mga expressway.

Lahat ng sasakyan na wala pang RFID stickers ay obligado nang magpakabit.

Ayon kay Ang, naging maayos naman ang unang araw ng implementasyon nito sa sa mga expressways ng SMC gaya ng Skyway, NAIAX, STAR, SLEX, at TPLEX.

Normal aniya ang naging daloy ng traffic sa mga toll plaza kahit sa panahon ng rush hours.

“Still, I would like to personally apologize to our motorists for the issues that have emerged over the recent weeks to date,” ayon kay Ang.

Sinabi ni Ang na personal nang ihihirit sa Department of Transportation (DOTr) na iurong ang deadline ng programa sa Pebrero.

Ito ay para magkaroon ng mas mahabang panahon ang mga motorista na makapagpakabit ng kanilang RFID stickers at maiwasan ang panic at pagdagsa ng mga sasakyan.

Tiniyak din ni Ang magbubukas sila ng mga karagdagang installation sites.

 

 

 

Read more...