Malaking bahagi ng Luzon uulanin ngayong araw dahil sa LPA at tail-end ng frontal system

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2020 - 05:54 AM

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa binabantayang Low Pressure Area (LPA) at tail-end ng frontal system o shear line.

Huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometers Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at Romblon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Maulap din ang papawirin na mararanasan ngayong araw sa Ilocos Region dahil sa Northeast Monsoon.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Nakataas naman ang gale warning sa buong coastal area ng northern Luzon at Central Luzon, gayundin sa eastern coast ng Southern Luzon at at eastern coast ng Visayas.

 

 

 

TAGS: Borongan City, Breaking News in the Philippines, eastern samar, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Borongan City, Breaking News in the Philippines, eastern samar, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.