Ilang barangay sa Antipolo mawawalan ng suplay ng tubig
Magdamag na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Antipolo City.
Bunsod ito ng aktibidad na isasagawa ng Manila Water sa bahagi ng Maagay Bridge sa Marcos Highway.
Magsisimula ang service interruption alas 9:00 ng gabi ngayong araw (Dec. 2) at tatagal hanggang alas 6:00 ng umaga bukas (Dec. 3)
Narito ang mga maaapektuhang lugar:
BRGY. DELA PAZ: Langhaya Relocation Site, CHED Langhaya, Purok Cepina, Purok Imelda, Purok Maunlad, Purok Silangan, Techno Road, Purok Sumulong
BRGY. BAGONG NAYON: Purok Tagumpay, Sun Valley Subd.
BRGY. INARAWAN: AZHAI, DAZMA, St. Anthony, Town and Country Hills, Maagay 1, 2 and 3, Park Hills, Sitio Pandayan, St. Francis Subd., Sitio Kamias
BRGY. SAN LUIS: Sambaville, Peace Village 1, 2 and 3, Cherry Hills Subd., Sitio Patnubay, PH2B1 and 2, Steel Homes, Piedra Blanca, Puting Bato
BRGY. SAN ISIDRO: Sitio Maligaya, Sitio Epheta and Tanglaw, PH2A Bagong Nayon 2, PH1 and PH2
BRGY. SAN JUAN
Pinayuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa panahon ng service interruption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.