Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 61,749

By Mary Rose Cabrales December 02, 2020 - 04:45 AM


Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (December 1, 3:00 PM) nakapagtala ng 156 na bagong kaso kaya pumalo na sa 61,749 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 16,141
Laguna – 16,649
Batangas – 10,739
Rizal – 12,941
Quezon – 5,279

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,441.

Nasa 53,643 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 148 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,090
Laguna – 15,228
Batangas – 9,830
Rizal – 11,367
Quezon – 4,128

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 5 kaya umabot na sa 1,665 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 409
Laguna – 364
Batangas – 310
Rizal – 420
Quezon – 162

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, Health, laguna, Quezon, Rizal, Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, Health, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.