Eastern Visayas, may bagong 47 kaso ng COVID-19
Nadagdagan ng 47 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,049 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Martes ng gabi (December 1), 8,783 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 560 o 6.38 porsyento ang aktibong kaso.
71 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 8,133 o 92.60 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 90 pa rin ang mga residenteng nasawi o 1.02 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.