COVID-19 cases sa Baguio, 3,029 na

Umabot sa 19 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Martes ng gabi (December 1), umabot na sa 3,029 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 181 ang aktibo pang kaso.

20 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,807 na ang total recoveries sa Baguio City habang 41 pa rin ang death toll.

Batay pa sa datos, 145 ang naisagawang RT-PCR test sa araw ng Martes.

Nasa 78,035 naman ang bilang ng mga nagnegatibong pagsusuri sa COVID-19.

Read more...