CCT o 4P’s hindi dapat isantabi ng susunod na administrasyon -Sec. Purisima

By Kathleen Betina Aenlle March 21, 2016 - 05:02 AM

cesar-purisima1Hinihimok ng kanyang mga economic managers ang susunod na administrasyon na palawigin pa ang Conditional Cash Transfer Program o CCT upang mapalakas pa ang pagtulong ng gobyerno sa mga mahihirap.

Sa isang statement, sinabi ni Finance Secretary Cesar Purisima na dapat na manatiling nasa tamang direksyon ang susunod na pamahalaan sa oras na bumaba na sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino upang magpatuloy ang pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 9 na porsiyento pa ng populasyon ng bansa ang nanganganib na manumbalik sa kahirapan dahil sa mga nakalipas na trahedya at kalamidad.

Kung hindi aniya magpapatuloy ang pagtulong sa mga ito, may posibilidad na muli silang masadlak sa hirap at mababalewala ang ayudang naibigay sa kanila.

Dapat din aniyang ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang pagkakaroonng micro-insurance at pagtataguyod ng credit-information strategies upang makatulogn na mabigan ng micro-business ang mga mahihirap na pamilya.

Noong nakaraang linggo, inihayag ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang poverty incidence sa 26.3 percent sa unang bahagi ng 2015 mula sa 28.9 percent nong 2009 bago pa maupo si Pangulong Aquino.

TAGS: pantawid pamilyang pilipino program, pantawid pamilyang pilipino program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.