123 pang COVID-19 recoveries, naitala sa Central Visayas
By Angellic Jordan December 02, 2020 - 12:01 AM
Nagkaroon pa ng 36 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang December 1, 24,186 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.
Sa naturang bilang, 1,079 ang aktibo pang kaso.
Umabot sa 123 ang bagong gumaling kung kaya 21,718 na ang COVID-19 recoveries.
Isa ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, 1,389 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.