641 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

Umabot sa 641 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (November 30), hanggang 5:00, Martes ng hapon (December 1).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 384 kung saan 229 ang adult habang 155 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 224.

Lima naman ang nahuli na hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, tatlo ang nahuling naninigarilyo, anim umiinom habang pito sa iba pang ordinansa.

Read more...